Nang Nakahawak ng Nokia si Lola Basyang

April 28th, 2005 by syao-chan

One fine afternoon…ay mali, nde pla fine. Pinagbantay ako sa tindahan namin sa palengke non, at 2pm. Walang customer na matino ang isipan ang lalabas ng kabahayan nya para bumili ng tinapay sa amin kc saksakan ng init.

Erase, erase.

One… afternoon… [ahem], nasa tindahan ako at nagbibilang ng sapot ng friendly neighborhood store spider na si Batman nang may nagpa-ring. Chineck ng kapatid ko.

Tapos, stage whisper. "S-Si Marlon." Ex nya. "Ano ang gagawin ko?"

"Ibili mo ako Pop dun." Me, sabay kuha ng seven pesos (ewan ko ba, nde tinatamaan ng mga commercials yung nagtitinda sa amin nun). Dinampot ko ang cel at nagpa-ring then.

Maya-maya, nagpa-ring ule yung mama.

Nagpa-ring din ako.

Tapos, gumanti ng pa-ring.

Ako den. Mayabang ako eh, may ringback ang cel ng kapatid ko eh.

Anyway, after mga 10 ring exchanges, na-frustrate na cguro. Nag-text. Nakibasa naman yung dalawang kabarkada ng kapatid ko.

Sabi ng text message, "Hello, cno po to? Pwede po bang humingi ng advice?"

At dahil walang kakwenta-kwenta naman ang binabasa ko (2004 tabloid na may serialized novel na pinamagatang Hiwaga sa Ilalim ng Kumot) I decided to, in my sister’s lengwahe, make patol da estupeeed koler.

"Hello, hijo. Ako nga pla c Lola Basyang. Tungkol ba saan ang problema mo? love? sex? physics?"

Nag-reply ito. "Ano po, lola, tungkol po ito sa babaeng mahal ko. Gusto kong makipagbalikan, pero sabi nya nde na nya ako love. Ano po ang gagawin ko?"

I rolled my eyes. In fairness, mejo baduy yung ex ni Ate Kaye. Pero sumagot na rin ako.

"Well, ang maipapayo ko lang sa iyo ay…wala. Pero wag ka mag-alala. Andito naman ako. Kaya kong tumbasan ang kaligayahan na maibibigay ng babaeng yun, kung cno man yun. At nde lng yun! Pag-aaralin pa kita! Bibigyan kita ng house and lot! Sau na rin pati pensyon ko!"

He replied, "Lola, NDE KO KELANGAN NG KAYAMANAN NYO (with matching tatlong tandang padamdam). Pero salamat na rin po sa payo nyo, napatawa nyo po ako."

I groaned, and texted back. "Hijo, nililihis mo ang landas ng ating balitaktakan. Naliliitan ka ba sa offer ko? Aba, gusto mo, sau na rin ang pensyon ng asawa ko!"

Eh dahil mas mabilis pa magtext sa akin ang kinder student, bago ko matapos ang reply ay nag-text cya uli, asking the age and location of Lola Basyang. Kaya yun, dinagdagan ko yung message na sunusulat ko.

"…at tungkol dun sa tanong mo, I am currently 89 years old, biyuda for the eleventh time, ina ng isang buong baranggay. Currently, nakatira ako sa Home for the Aged."

"89 na po tlaga kau?" came his reply some minutes later. "Tsaka po, nde ko kukunin yung pensyon ng asawa nyo. Ang kay Pedro ay kay Pedro, ang kay Juan, kay Juan."

"Uu, 89 na ako. At wag ka mag-alala dun sa pensyon…may 10 pa namang natitirang pensyon sa akin. Mababait lahat ng ex-hubbies ko, nde tulad ng binabanggit mong Pedro at Juan na parang selfish. Eh ikaw, taga-saan ka?"

"[insert town name]."

I texted back. "Ayos. Date tau! Ipapadala ko jan ang kalesa ko, at mamasyal tau. Dadaan tau sa Delta, pagkatapos ay sabay nating aakyatin ang landas ng kaligayahan paakyat ng Bundok Arayat. Maglalagi tau dun ng ilang kapanahunan, at bubuo tayo ng isang masaya at masaganang pamilya!"

He replied, "Sorry, Lola. Wala ako sa mood umakyat ng bundok eh."

"Kung ayaw mo dun, mag-haybol na lang tau sa simbahan. I’ll be wearing my favorite itim na negligee. Ikaw, ano susuot mo? Cyangapla, wag mo kalimutang magdala ng padlock no?"

"Lola, nde rin po ako pupunta jan. Mainit po kc."

Eh yung isang kabarkada ng kapatid ko, parang sexually deprived, biglang inagaw ang cellphone at nagtext ng message na nde ko na ilalagay dito kc censor-able XD

Nangilabot ata yung Marlon guy. Nag-text back. "Lola, baka mcyado kau ma-excite. Buti pa, pahinga muna po kau."

Upon reading the message, sabay-sabay kaming lahat. "Wala na load."

Sabi ko naman, baka natakot nung manyak na kabarkada ng kapatid ko. "Tigang ka kc eh." I told her, smirking.

She grinned back. "Uu nga eh. Mejo matagal-tagal na nga rin. Mga 3 hours ago."

Upon the mention of hours, napatingin ako sa relo. Aba, akalain mo, 1hr na pla ang lumipas sa kagaguhan naming iyon hehehe. At mula 32 pesos load, naging 6 pesos na lng.

Iba na ang talented no? XD